Naitala ang dalawang bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos na inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 14,558 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa higit 80 mga bansa.
Sa naturang bilang, 4,425 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling sa mga pagamutan.
Nananatili namang nasa 9,155 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa ibayong dagat.
Sa kaparehong datos, nasa 978 na ang COVID-19 related deaths sa ibayong dagat, matapos na madagdagan ito ng isang panibagong nasawi sa virus.
11 February 2021