Pormal ng binuksan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kanilang COVID-19 vaccine storage facility sa Sta. Ana. Hospital sa Maynila.
Ang naturang pasilidad ay mayroong limang Haier HYC-390 refrigeration units na kayang paglagakan ng mga doses ng bakuna mula AstraZeneca at Sinovac, at apat na biomedical freezers na kayang paglagyan ng Janssen at Moderna COVID-19 vaccines.
Mayroon ding tatlong Haier -86 degrees celsius ULT freezers sa naturang pasilidad na kayang paglagakan ng mga bakuna mula Pfizer.
Bumili rin ang lokal na pamahalaan ng 50 transport coolers na maaaring gamitin sa transportasyon ng mga bakuna kontra COVID-19.
Samantala, kamakailan lamang ay nagsagawa ng simulasyon sa COVID-19 vaccination drive ang lungsod ng Maynila para maging handa sila sa anumang kakaharaping problema sa rollout ng bakuna sa bansa.