Bakuna na lamang ang kulang.
Ito’y ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang hinihintay nila sa gitna na rin ng kahandaan ng lungsod sa pagbabakuna sa mga residente nito kasama na ang storage ng mga COVID-19 vaccines.
Sinabi sa DWIZ ni Belmonte na nakipag-partner sila sa Zuellig Pharma dahil hindi kakayanin ng budget ng local government kung bibili pa ng sariling cold storage.
Ang Zuellig Pharma na aniya ang bahala sa lahat para hindi na rin asikasuhin ng city government ng mga kailangan sa storage tulad ng generator, security at maging CCTV.
Kailangan nating bumili ng generator, security, CCTV, tapos baka may pumalpak pa kaya naisipan natin na mag-partner na lang sa tinatawag nating ‘clinic pharma’, which has medical grade cold storage facilities for all types of vaccine. Sila na ang lahat ang mamamahala, kumbaga dadalhin, transport, sila rin ang bahala sa database, in conjunction with the Quezon City IT database tapos sa pagmo-monitor din ng pasyente pagdating sa pagre-remind sa site para magpabakuna kung kailan sila babalik for their second dose, lahat yan ay clinic pharma ang ginagamit nating system because we cannot risk failing at this stage,” ani Belmonte.