Itinanggi ng Food and Drug Administration (FDA) ang balitang may dumating nang kargamento ng mga bakuna kontra COVID-19 ng Moderna sa Pilipinas.
Ayon kay FDA Chief Undersecretary Eric Domingo, kanya nang inatasan ang regulatory enforcement unit ng ahensiya para silipin ang naturang usapin.
Aniya, malabong nakapagpadala na ng bakuna ang Moderana sa Pilipinas dahil hindi pa naaaprubahan ang distribusyon nito sa bansa.
Sinabi ni Domingo, sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang pag-uusap sa pagitan ng Moderna at pamahalaan
Dagdag ng opisyal, posibleng sa susunod na linggo pa makapaghahain ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang bakuna ang moderna.
Binigyan diin pa ni Domingo, kung mayroon mang nakapasok na bakuna ng Moderna sa Pilipinas, mas malaki ang posibilidad na peke ang mga ito.