Nagpaabot ng pakikiramay at dasal ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan at tiga-sunod ng yumaong evangelist na si Eliseo “Eli” Soriano.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bilang pinuno ng “Ang Dating Daan” at mangangaral ng salita ng diyos, si Soriano aniya ay nagsibling inspirasyon at gabay sa marami lalu na sa kanyang mga tigasunod.
Dagdag ni Roque, isang malinaw na patunay ng tapat na pagmamahal para magsilbi sa maykapal ang ipinakitang dedikasyon ni Soriano para ipalaganap ang salita ng diyos na nasa bibliya.