Inaresto ng mga awtoridad ang pinuno ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakay ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa Caraga Region.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), dinakip si Rogelio De Asis, chairman ng PAMALAKAYA-caraga sa bisa ng ipinalabas na warrants of arrest ni 11th judicial region, RTC branch 27 Judge Edwin Malazarte.
Ito ay bunsod ng mga kasong paglabag sa section 6 ng Repulic Act 9851 o Crimes against International Humanitarian Law, Genocides and Other Crimes against humanity at murder.
Batay sa PNP, miyembro si De Asis ng regional committee ng New People’s Army (NPA) at sangkot naman sa pagpatay sa mga miyembro ng katutubong manobo at dating rebelde na sina Zaldy Acidillo Ybañez at isang Datu Bernandino Astudillo.
Sinasabing, pinagsasaksak ni De Asis ang dalawa bilang panakot umano sa ibang mga miyembro ng npa na nagtatanggkang tumiwalag na sa grupong komunista.