Hinamon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang Department of Agriculture na kasuhan na ang mga sinasabi nitong nagmamanipula at nananamantala sa presyo at suplay ng karneng baboy.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, ilang linggo ng naglalabas ng babala ang DA laban sa mga sinasabi nitong hoaders at profiteers kaya dapat kasuhan na nila ang mga ito.
Ani So, hindi na dapat gumawa ng fishing expedition ang DA kung wala namang natukoy ang kagawaran na mga nagtatago ng suplay at nananamantalang negosyante.
Samantala, sinabi ni So na maituturing na harassment ang ginagawang pagdalaw ng DA sa mga magbababoy.