Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong commanding general ng Philippine Army si Lt/Gen. Jose Faustino Jr.
Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt/Gen. Cirilito Sobejana, isang linggo mula nang maitalaga siyang hepe ng sandatahang lakas ng bansa.
Pero ayon kay Sobejana, manunungkulan si Faustino sa kaniyang acting capacity dahil kulang na ng isang taon ang kaniyang panunungkulan sa Army.
Gayunman, hindi matatawaran ayon sa AFP chief ang mga ambag ni Faustino bilang combat officer at may mataas na lebel ng expertise sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Si Faustino ang kasalukuyang commander ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ng AFP na nakabase sa Davao Region at produkto ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” class of 1988.