Inihayag ng Metro Manila Mayors na plano nilang umapela sa pamahalaan hinggil sa direktiba nito na muling payagan ang pagbubukas ng mga sinehan sa mga general community quarantine (GCQ) areas gaya ng Metro Manila.
Sa isang pahayag, sinabi ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, may reservation o agam-agam ang kanilang hanay, kaya’t posibleng umapela ang mga ito sa Inter-Agency Task Force bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.
Dagdag pa ni Olivarez, nakausap siya ang liderato ng MMDA na si Chairman Benhur Abalos, at sinabi aniya na ipararating nito sa IATF ang pagtutol ng mga metro manila mayors.
Paliwanag ni Olivarez, hindi nagkaroon ng maayos na konsultasyon sa kanilang hanay hinggil sa kautusang ito.
Paliwanag ni Olivarez, kanilang ikinakatakot ang muling pagbubukas ng sinehan dahil ito’y isang ‘enclosed area’ na malaki ang tsansa na pagmulan ng pagkalat ng virus.
Habang ang desisyon ng IATF na itaas sa 50% venue capacity ang pagsasagawa ng religious gatherings ay pinaboran naman ng mga ito basta’t mahigpit na ipatutupad ang umiiral na health protocols kontra COVID-19.