Nagpaalala ang pamunuan ng Philippine National Police sa publiko na planong magdiwang ng araw ng mga puso sa labas ng kani-kanilang kabahayan.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brigadier General Ildebrandi Usana na kasabay ng pagdiriwang ng naturang selebrasyon laging tandaan anito ang pagsunod sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Dagdag pa nito, kung gugustuhin din ng mga mag-sising irog o mag-asawa na pumunta o magpalipas ng araw sa hotel o kaya’y sa motel tiyakin anito na sa mga establisyimento na sumusunod ang mga ito sa pinaiiral na health protocols kontra virus.
Ani Usana, kung maiiwasang lumabas para ipagdiwang ang valentine’s day, sinabi nito na mas makabubuti ito lalo’t may banta pa rin ng COVID-19 pandemic.