Tinutugis na ng mga awtoridad sa Baguio City ang hindi pa nakikilalang lalaki na nagtangkang magpuslit ng kontrabando sa loob pa mismo ng Baguio City Jail.
Ayon kay Jail Superintendent Mary Ann Tresmaño, ang naturang kargamento na dinala ng hindi pa nakikilalang suspek, ay inihalo sa ulam na dala nito na adobo at bakareta.
Napansin ng mga awtoridad na nakahalo sa naturang ulam ang sampung plastic ng shabu.
Habang nagpapatuloy ang pagsusuri ng mga awtoridad sa dalawang ulam ng suspek, agad na itong tumakbo palabas ng Baguio City Jail.
Kasunod nito, patuloy na nirerebyu ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV para makatulong sa ginagawang imbestigasyon.