Naglabas ng video footage ang space agency ng China na kuha mula sa spacecraft na ipinadala nito sa Mars.
Sa video ng state television na CCTV, makikita ang tanawin muna sa Tianwen-1 na nakunan dalawang araw matapos itong makapasok sa Red Planet.
Pinalipad ang Chinese spacecraft Tianwen-1 noon pang July 2020 na halos kasabay ng US spacecraft patungong Mars at inaasahang lalapag ito roon sa Mayo ngayong taon.
Ang Tianwen-1 [Questions to Heaven] ay may kasamang Mars orbiter, isang lander at isang solar-powered rover.