Pinangangambahan na naman ang panibagong malakihang dagdag presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa industriya ng langis sa bansa, posibleng umabot sa P1.20 hanggang P1.30 ang itataas sa kada litro ng diesel.
Pitumpong sentimo (P0.70) hanggang P0.80 naman ang maaring maidagdag sa kada litro ng gasolina.
Dahil dito,sinabi ng Department of Energy, na maaring pumalo sa P38.60 hanggang P54.97 ang kada litro ng gasolina habang nasa P30.80 hanggang P38.37 ang itataas sa kada litro ng diesel.