Darating pa rin ang mga bakuna kontra COVID-19 mula sa kumpaniyang Pfizer ngayong buwan.
Ito ang pagtitiyak ng pamahalaan sa kabila ng pag-amin ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na maaantala ito dahil sa kawalan ng indemnification law.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, pagkakataon na ito para maisapinal ang mga plano kasama ng mga ospital na unang makatatanggap ng bakuna.
Pagtitiyak pa ni Vergeire, hindi makaaapekto sa rollout ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang naturang delay at on time pa ring maituturing ang pamamahagi nito.