Nasabat ng Pambansang Pulisya ang tinatayang nasa 10 toneladang taklobo o giant clams sa Negros Oriental.
Ito’y kasunod ng ikinasang buy bust operation ng pulisya na nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspek na iligal na nagbebenta nitoi sa Brgy. Pagatban sa Bayawan City.
Kinilala ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas ang suspek na si Ricardo Dela Cruz na naaresto matapos magbenta ng isang toneladang taklobo na nagkakahalaga ng limang milyong piso sa mga awtoridad.
Pagmamay-ari umano ng isang Yan Hu Liang alyas Sunny ang mga ibinebentang taklobo na nagkakahalaga ng P50 milyong.
Kung ibebenta sa international market ang sampung toneladang taklobo, sinabi ni sinas na posibleng pumalo sa halos P100 milyon ang halaga nito.