Nakapagtala ang Davao region ng tatlong kaso ng mas nakahahawang uri ng COVID-19 o mas kilala bilang UK variant.
batay sa ulat, dalawa sa mga pasyente ay mula sa Davao De Oro isang 33 anyos na lalaking tiga Compostela at isang 54 anyos na babaeng tiga new Bataan.
Kasunod nito, agad na nakipagpulong ang department health region 11 at Local Government Unit (LGUs ) para matugunan ang sitwasyon.
Sinimulan na rin ang contact tracing ng mga awtoridad upang maiwasan ang lalu pang pagkalat ng UK COVID-19 variant sa Davao De Oro.
Samantala, hindi naman malinaw kung kabilang na ang tatlong indibiduwal sa 19 na naitalang karagdagang kaso ng UK COVID-19 variant sa bansa noong Biyernes.