Pumalo na sa 23,813 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Central Luzon.
Ito’y kasunod ng paggaling ng labingdalawa pang pasyente sa rehiyon.
Batay sa regional case bulletin ng Department of Health-Central Luzon Health Development (DOH-CLHD), nakapagtala ito ng 63 na bagong kaso kaya’t umakyat na sa 28,709 ang kabuuang ng impeksiyon sa lugar.
Ayon kay DOH-Region 3 director Cesar Cassion, sumampa na sa 1,044 ang death toll sa Gitnang Luzon.