Hiniling ng ilang mambabatas na ipagpaliban muna ang pagtaas ng mga bangko sa interbank charges sa ATM (automated teller machine).
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, madaragdagan ang hirap ng mga Pilipino kung matutuloy ang pagtaas-singil sa mga ATM fees dahil sa nararanasang pandemya sa bansa.
Dagdag naman ni Senior Citizen Party-List Rep. Rodolfo Ordanes, lubos na maapektuhan ang mga government employee lalo na ang mga senior citizen dahil sa dagdag singil ng mga bangko.
Aniya, maaaring sagutin muna ng bangko ang mga fees kung magwi-withdraw ang mga kliyente sa ibang bangko.
Samantala, ipapatupad ang taas-singil ng inter-bank ATM transaction fees sa ika-7 ng Abril, taong 2021.