Patuloy ang isinasagawang monitoring sa estado ng Bulkang Kanlaon sa Negros island.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na asahan na ang mas maraming maitatalang volcanic earthquakes ngayong nakataas sa Alert Level 1 ang bulkan.
Nasa alart level 1 ito, kumpara sa normal ay mas maraming mga volcanic earthquakes na ating maitatala at sumabay ang paglabas ng mas maraming gas,” ani Solidum.
Posible rin aniya ang pagkakaroon ng mga phreatic eruptions.
Samantala, pinawi naman ni Solidum ang pangambang sumabog ang Bulkang Kanlaon dahil wala pa aniyang ebidensya na nagpapakitang may pag-akyat o paggalaw na ng magma sa bulkan.
‘Yung pag-akyat ng magma, wala pa tayong ebidensya na nangyayari ito,” ani Solidum.
Hindi rin aniya maaaring iakyat sa Alert Level 2 ang bulkan hanggat wala pang ebidensya ng magma.
Ang alert level 2 kasi, ‘yan ay meron na tayong ebidensya na may magma na umaakyat. Kung wala pa tayong evidence, mahirap nating itaas ‘yan,” ani Solidum. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais