Hindi sang-ayon si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa muling pagbubukas ng sinehan, maging ng mga game arcades sa Metro Manila.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Gatchalian na tila nilalabag nito ang nakasanayang protocols laban sa COVID-19 gaya na lamang ng pag-iwas sa mga matataong lugar at recirculation o pag-iikot ng hangin sa isang enclosed na lugar.
Tinutulan din nito ang pagbubukas ng mga arcade para sa mga bata.
Kung pahihintulutan aniya ito ay bakit hindi na lamang unahin ang pagbalik ng face-to-face classes sa mga ito, bagay na mas kailangan ng mga kabataan.
Ayaw nga natin silang papasukin sa paaralan tapos papapasukin natin sila sa arcade? E, di papasukin nalang natin sa paaralan,” ani Gatchalian.
Dagdag pa ng alkalde, huwag na aniya munang baguhin ang nakasanayang mga protocols dahil nalalapit na rin ang pagdating ng bakuna laban sa COVID-19.
Huwag na nating baguhin ang default. The vaccines are coming, konting tiis pa,” ani Gatchalian. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882