Aminado ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas na ikinadismaya nila ang muling pag-postponed sa schedule ng FIBA Asia Cup qualifying window.
Ayon kay Butch Antonio, director for operations ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ginugol nila ang halos apat na linggo para mag-ensayo sa darating sanang laban na gaganapin sa Doha, Qatar.
Dagdag ni Antonio na talagang sayang dahil hindi natuloy ang laro, subalit maganda rin aniya ito upang mas pagtibayin pa ang samahan ng mga miyembro.
Kwento ni Antonio, hindi lamang sa pag-eensayo magkakasama ang miyembro ng Gilas dahil aniya’y nagkakasama-sama rin ito sa pagkain at sa pagtulog.
Matatandaang una nang inanunsyo ng Department of Health na nakasalalay sa mandato ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa SBP kung papahintulutan nitong pangunahan ng bansa ang FIBA window sa kabila ng pandemya. —sa panulat ni Agustina Nolasco