Iginagalang ng Malakaniyang ang desisyon ng Korte Suprema matapos mabasura ang electoral protest na inihain ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang naging desisyon ng Korte Suprema na siyang tumayong Presidential Electoral Tribunal kaya naman kanila itong inirerespeto.
Ani Roque wala rin naman aniya silang nakikitang problema sakaling maghanap ng remedyo ang kampo ni Marcos.
Ang tinutukoy dito ni Roque ay ang posibilidad ng paghahain ni Marcos ng motion for reconsideration.