Binalaan ng Malakanyang ang publiko laban sa mga indibiduwal na nagpapanggap o gumagamit ng pangalan ng mga opisyal o empleyado ng Office of the President para mag-solicit.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, walang ina-awtorisang tauhan ang tanggapan ng Pangulo para manghingi ng pera o mamahaling bagay mula sa publiko.
Ani Medialdea, hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang Office of the President para sa panloloko tulad ng mga pekeng solicitation.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Medialdea ang publiko na agad i-report sa 8888 citizens’ complaint center ang anumang mapupunang kahinahinala at hindi awtorisadong aktibidad.