Ipinagbabawal pa rin ang pagkain ng anomang uri ng shellfish at alamang na nagmumula sa 20 lugar sa bansa na kinakitaan ng Paralytic Shellfish Poison (PSP) na higit kaysa sa regular na takdang dami na dapat taglayin nito.
Ito ay batay sa pagsusuring isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Local Government Units (LGUs).
Ang mga sumusunod na lugar ay ang;
- Coastal waters of Zumaraga in Western Samar
- Coastal water of Daram Island in Western Samar
- Coastal waters of Biliran Islands
- Coastal waters of Calubian, Leyte,
- Coastal waters of Leyte,Leyte
- Coastal waters of Inner Malampaya Sound, Taytay in Palawan
- Ormoc Bay in Leyte
- Coastal waters of Dauis and Tagbilaran City in Bohol
- Tambobo Bay, Siaton in Negros Oriental
- Coastal waters of Daram Island Island in Western Samar
- Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur
- Cancabato Bay, Tacloban City in Leyte
- Balite Bay, Mati City in Davao Oriental
- Coastal Waters of Hinatuan in Surigao del Sur
- Lianga Bay
- San Pedro Bay in Western Samar
- Coastal waters of Guiuan in Eastern Samar
- Matarinao Bay in Eastern Samar
- Cambatutay Bays in Western Samar
- Carigara Bay in Leyte
Paglilinaw naman ng BFAR, hindi ipinagbabawal ang pagkain ng isda , pusit, hipon at alimango na magmumula sa naturang mga lugar dahil ito ay hinuhugasan muna at inaalis ang mga lamang loob bago lutuin.—sa panulat ni Agustina Nolasco
Shellfish Bulletin No. 04 Series of 2021
Dated February 15, 2021