Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard ang nangyaring pagtaob ng isang motorbanca sa baybayin ng Iloilo at Guimaras na ikinasawi ng 7 katao.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ruben Gania, isa sa mga crew, Larry Abilla, Cora Garilia, Christine Darryl Vasquez, Luke Shel Mata at Matt Mata.
Nananatili naman sa ospital ang 8 iba pang pasahero ng MB Tawash.
Ayon sa survivors, hindi gaanong masama ang panahon ng umalis sila sa Parola Wharf sa Iloilo City subalit may kalakasan ang alon.
Noong nasa kalagitnaan na anila sila ng karagatan, bigla na lamang lumakas ang hangin at hinampas ng malaking alon ang motorbanca hanggang tumaob ito.
Maraming hindi kaagad nakalabas ng bangka habang nakahawak naman sa lubid ang iba sa 41 pasahero nito.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)