Hinihintay pa rin ng kampo ni dating senador Bongbong Marcos ang aktwal na kopya ng desisyon ng Presidential Electoral Tribunal kaugnay sa isinampa nitong electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, na wala pa silang natatanggap na kopya ng naturang desisyon at sa media lang nila narinig ang balita.
Wala pa kaming kopya ng desisyon ng korte pati ang kabilang kampo, sa media lang kami nag-relay,” ani Rodriguez.
Ani Rodriguez, nais sana nilang malinawan sa naturang desisyon kung ang ibinasura ba ay ang buong election protest dahil kung ang pagbabatayan aniya ang tunay na kahulugan nito sa election laws tinutukoy lamang nito ang manual recount at judicial revision.
Giit ni Rodriguez, mayroon silang dalawang causes of action pending. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas