Hindi biglaan kundi unti-unti dapat ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa na pinadapa ng pandemya.
Ito ang inihayag ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro kaugnay sa panukalang ilagay sa modified general community quarantine ang buong Pilipinas simula sa Marso.
Ayon kay Teodoro, maraming alkalde ang nais na gawing marahan ang pagpapaluwag sa lockdown restrictions ng National Capital Region.
Giit ni Teodoro, pinaka mahalagang maging consistent sa pagpapatupad ng health protocols upang matiyak ang pagbaba ng COVID-19.
Gayunman sinabi ni Teodoro na kung ano’t anoman ang maging desisyon handa naman nila ito sundin lalo’t ito’y pinag-aralan ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 at ng pangulo.