Sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang panukalang batas na layuning magtatatag ng indemnity fund, gayundin ang pagpapabilis sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.
Ito ang Senate Bill No. 2057 at House Bill No. 8648.
Layunin ng senate bill 2057 na pabilisin ang pabili at rollout ng COVID-19 vaccines at 500 million indemnification fund habang ang house bill 8648 ay naglalayong bigyang otoridad ang mga local government units na magbigay ng advance payments para sa COVID-19 vaccines.
Dahil dito, inaasahang ipasa ng Kongreso ang panukalang batas sa second at third reading sa parehong araw.