Isasara sa mga motorista ang Alabang Southbound toll sa kahabaan ng EDSA simula ika-20 ng Pebrero.
Sa inilabas na pahayag ng San Miguel Corporation (SMC), ang pagsasara ng naturang toll gate ay para bigyang daan ang konstruksyon sa Skyway Extension Project.
Dahil dito, ayon sa SMC asahan na ng mga motorista ang masikip na daloy ng trapiko kaya’y inirerekomenda anila na dumaan sa mga alternatibong ruta para hindi maabala ang kani-kanilang mga biyahe.
Paliwanag ng SMC, ang mga sasakyang class 1 na papuntang Alabang o kaya’y Alabang-Zapote Road ay pupwedeng dumaan sa Filinvest Exit toll plaza at tsaka magtungo sa kanilang mga destinasyon.
Habang ang mga sasakyang class 1, 2, at 3 naman na pa-Alabang, Putatan, at national road ay maaaring mag-exit o lumabas sa Susana toll plaza.
Kasunod nito, humingi ng paumanhin ang pamunuan ng SMC sa maidudulot na abala ng extension project sa mga motorista.