Nagpositibo sa COVID-19 si Cebu Archbishop Jose Palma.
Ayon kay Monsignor Joseph Tan, tagapagsalita ni Palma, bagamat dinapuan ng COVID-19 ang opisyal ng simbahan nananatili naman aniya itong nasa maayos na kundisyon habang nagpapagaling sa Perpetual Succor Hospital.
Dahil dito, ani Tan, nanawagan siya sa mga nakasalamuha o nagkaroon ng close contact kay Archbishop Palma na kanilang i-monitor ang kanilang kundisyon at sundin ang quarantine protocols kontra COVID-19.
Sa huli, nanawagan ang simbahang katolika sa publiko na ipagdasal ang arsobispo para sa mabilis nitong pagrekober sa virus.