Dinukot ng mga armadong lalaki ang isang pulis sa Binondo, Maynila.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang biktima na si Police Corporal Allan Hilario, nakatalaga sa MPD Station 11.
Batay sa kuha ng CCTV, 10 armadong lalaki ang sinasabing dumukot sa biktima kung saan bago umalis ay tila may hinanap pa ang mga salarin sa motorsiklo ng pulis.
Nakipag-ugnayan na ang MPD sa Land Transportation Office at Philippine National Police Security and Protection Group upang matukoy kung kanino nakarehistro ang mga sasakyan ng mga suspek.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.