Kalaboso ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na ipinalaman sa tinapay sa La Paz, Iloilo City.
Kinilala ng Iloilo Police ang mga suspek na sina alyas “Rico” na isang guwardiya at alyas “Pido” na isang waiter, kapwa nakatira sa naturang lungsod.
Maliban sa marked money, nasabat din sa operasyon ilang sachets ng umano’y shabu na may halagang higit sa P200,000.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.