Inaasahang babalik na sa normal ang presyo ng isdang galunggong sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Ito ang inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) makaraang tawagin nitong artipisyal ang pagsipa sa presyo ng galunggong na naranasan sa mga pamilihan.
Giit ni BFAR Director Eduardo Gongona, ang hawak na suplay ng galunggong ng bansa ngayon ay tira pa mula sa inangkat na galunggong ng bansa nuong closed fishing season.
Samantala, tiniyak din ni Gongona na sapat din ang suplay ng mga isdang bangus at tilapia dahil suportado pa rin ng ahensya ang mga lokal na producers nito.