Ibinasura na ng korte ang kasong inciting to sedition laban sa isang public school teacher matapos itong mag-post online na umano’y magbibigay ng P50 milyon pabuya sa sinumang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y sa bisa ng desisyon ni Zambales Acting Provincial Prosecutor Jose Theodore Santos, aniya hindi nito nakitaan ng probable cause o sapat na basehan sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa suspek na si Ronnel Mas.
Bigo rin ani Santos na mapatunayan na authenticated at verified and post sa social media ni Mas.
Gayundin ang pagkabigo ng NBI na makapagpresinta ng testigo na magpapatunay na si mas nga ang nag-tweet nito.
Magugunitang inaresto ng mga awtoridad si mas noong may 2020 dahil sa naturang twitter post.