Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa pinal ang desisyon ng Metro Manila Council (MMC) na huwag payagan ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay MMDA Chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr., bagama’t lumabas na ang unanimous opposition ng mga alkalde ay ang Inter-Agency Task Force (IATF) at si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang magpapasya ukol dito.
Sinabi ni Abalos na igagalang ng mga Metro Manila Mayors anuman ang magiging final decision ng Presidente sa usapin.
Matatandaang napaulat na plano ng MMDA na payagan ang 30% capacity ng mga sinehan kaya’t nilinaw ng ahensya na hindi sila ang magdedesisyon tungkol dito.