Kinansela ng Korte Suprema ang nakatakdang sanang oral arguments bukas, ika-23 ng Pebrero, para talakayin ang usapin ng anti-terror law.
Sa inilabas na abiso ng Korte Suprema na pirmado ni Clerk of Court Edgar Aricheta, ito’y dahil may ilan pang miyembro ng mahistrado ang nananatiling naka-self-quarantine bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, gaganapin na ang oral arguments sa ika-2 ng Marso sa ganap na alas-2:30 ng hapon.
Ika-apat na araw ng anti-terror law oral arguments na nakatakda sana bukas, ika-23 ng Pebrero, sinuspinde ng Korte Suprema; iniurong ito sa ika-2 ng Marso dahil sa ilang mga hukom na naka-self-quarantine https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/D84vmrm6tU
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 22, 2021