Nagpalabas ng 1st Notice of Violation ang Office of Building Official ng Bacolod City laban sa DITO Telecommunity Corporation
Ito’y dahil sa umano’y illegal construction ng cell site sa Purok Himaya, Barangay Alijis sa naturang lungsod.
Ayon kay Engr. Nestor Velez, ang Acting Department Head ng Office of Building Official, lumabag ang DITO sa Section 301 ng Presidential Decree 1096 o ang National Building Code of the Philippines
“No person, firm or corporation, including any agency or instrumentality of the government shall erect, construct, alter, repair, move, convert or demolish any building or structure or cause the same to be done without first obtaining a building permit therefor from the Building Official assigned in the place where the subject building is located or the building work is to be done.” – nakasaad sa Section 301 ng National Building Code.
Dahil dito, binigyan ng tatlong araw ng mga opisyal o kinatawan ng DITO TelCo para makipag-ugnayan sa naturang tanggapan at inatasan na agad na ihinto ang pagtatayo ng cell site sa nasabing lugar.
Nauna nang inalmahan ng mga residente sa Purok Himaya, Brgy. Alijis ang konstruksiyon ng cell site ng DITO sa kanilang lugar.