Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) kung kailan magaganap ang 2022 Presidential elections.
Sa Laging Handa Public Briefing, inihayag ni Comelec Chairman Sherrif Abas na magaganap ang eleksyon sa ikalawang Lunes ng Mayo ng susunod na taon.
Ani Abas, automated pa rin ang eleksyon gaya ng mga nakaraang halalan.
Samantala, itinakda naman ang paghahain ng certificate of candidacy sa Oktobre 1 hanggang 8, 2021.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na panuntunan na inilalabas ang Comelec para sa pangangampanya dahil sa banta ng COVID-19.