Nababahala ang Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa pagsipa ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa tala, 395 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod at 66% sa mga ito ay kabilang iisang pamilya.
Ayon kay Mico Llorca, OIC ng Pasay CESU, mataas ang transmission sa mga pamilya kumpara sa noon.
Panawagan ng Pasay CESU sa Department of Health ( magsagawa ng Genome Sequencing upang matukoy kung anong klaseng COVID-19 variant ang lumalaganap ngayon sa Pasay.
Kaugnay nito, nanawagan na ng tulong ang Pasay CESU sa Department of Health.
Magugunitang nauna nang nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng UK COVID-19 variant ang lungsod nitong Pebrero 12 —sa panulat ni Agustina Nolasco