Nagpadala na ng 45-man team ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Lando sa northern Luzon.
Ayon kay MMDA Officer in Charge Emerson caRlos , ito ay para tumulong sa clearing at rescue operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Sinabi ni Carlos na kabilang sa ipinadalang team ng MMDA sa Nueva Ecija, Isabela at Cagayan ay mula sa kanilang rescue unit , public safety at roadway clearing operations group.
Maliban dito, nakatakda ring magpadala ng tauhan ang MMDA sa Aurora kung saan ilang kalsada at mga tulay dito ang hindi madaanan dahil sa pagbaha.
By Ralph Obina