Pormal nang itinalaga ng Pope Francis si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang isa sa mga miyembro ng Central Bank ng Vatican.
Sa abiso na inilabas ng Vatican, sinabi nito na kasama ni Tagle na itinalaga bilang kasapi ng Administrative of the Patrimony of the Holy See ay si Cardinal Peter Turkson ng Ghana.
Paliwanag ng Vatican, ang naturang tanggapan ay siyang responsable sa pangangasiwa ng mga ari-ariang pagmamay-ari ng Vatican para mapaglaanan ng pondo ng Roman Curia.
Bukod sa posisyong ito, si Tagle rin ang kasalukuyang prefect ng Congregation for the Evangelization of the Peoples, habang si Turkson ang Prefect ng Dicastery for Promoting Integral Human Development.