Pinapurihan ni Sen. Panfilo Lacson si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos itong mapabilang sa labing dalawang personalidad na kinilala ng us state department bilang international anti-corruption champions.
Itinuring ni Lacson na “bright beacon” o nagbibigay aniya ng liwanag si Sotto sa paglaban sa katiwalian sa bansa.
Mayroon anya tayo ngayong magandang rason para huwag mawalan ng pag asa sa paglaban sa katiwalian sa bansa
Giit ni Lacson, dapat na magkaroon ng seryoso at matapang na kampanya laban sa korapsyon ang mga maaaring susunod na lider ng bansa
Si Mayor Sotto at 11 iba pa ay binigyang pagkilala dahil sa walang pagod na nagpapatupad ng transaparency, lumalaban sa korapsiyon at umaako ngpananagutan bilang lider sa mga bansang kinabibilangan. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)