Hindi umano polisiya ng gobyerno ang i-patronize ang mga iligal o smuggled na ‘di rehistradong COVID-19 vaccine.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, matapos aminin ni special envoy to China Ramon Tulfo na nabakunahan na sya ng smuggled na sinopharm COVID-19 vaccine kasama ang iba pang cabinet officials.
Marahil commercial quantity na ani Roque ang kumalat noon na mga bakuna na hindi pa naaprubahan ng FDA dito ng Pilipinas.
Pero tiniyak ni Roque na iimbestigahan na ng mga kinauukulan ang ulat na umanoy may mga di rehistradong covid vaccine na nakapasok sa bansa.
Sa ngayon inaantay na lamang anoya nila ang aksiyon ng fda hinggil dito. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)