Humirit ng public apology ang grupo ng mga nurse dahil sa tila “barter” na turing ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanila.
Ayon kay Alyn Andamo, secretary general ng Filipino Nurse United, hindi naman linggid sa kanilang kaalaman na ang tila pagiging export product nilang mga nurse dahil sa malaking ambag sa remittances.
Ngunit hindi naman aniya tama at hindi rin maganda sa pakiramdam na mismong sa mga opisyal ng gobyerno nila marinig ang pagtrato sa kanila na parang kalakal.
Giit ni Andamo, nais ng mga nurse na mabigyan sila ng trabaho dahil sa tiwala sa kanilang kakayahan bilang mga health professionals at hindi bilang pamalit produkto.
Una nang sinabi ni Labor Secretary Bello III na ang naturang hakbang ay bahagi ng pakikipag-negosasyon ng ahensya sa ambassador ng UK na unang humiling na ma-exempt sila sa 5,000 deployment cap ng bansa.