Nailigtas ng Edgar’s Mission Farm Sanctuary sa Australia ang isang tupang nababalot ng makapal na balahibo nito na nagmistulang matigas na putik dahil sa kapal.
Pinangalanang ‘Baarack’ ng mga rescuers ang naturang tupa na anila’y payat at kulang sa timbang.
Batay sa ulat ng Reuters, pumalo sa 35.4kg ang natanggal na balahibo kay Barrack at tila napunta lahat ng nutrisyon ng kinakain nito sa kanyang balahibo.
Ayon sa Edgar’s Mission Farm Sanctuary, dapat na regular na magupitan o maahitan ng balahibo ang mga tupa kada taon para hindi kumapal ng sobra ang mga balahibo nito.
Samantala, nasa pangangalaga na ng Edgar’s Mission ang naturang tupa.—sa panulat ni Agustina Nolasco