Nagsagawa ng protesta ang mga health workers ng Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue, Maynila sa gitna ng napipintong pagdating ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa UP Workers Union na kinabibilangan ng mga doktor, nurse, at estudyante, dapat ang ibigay na bakuna sa kanila ay epektibo at may mataas na efficacy rate.
Inaasahang darating bukas, ika-28 ng Pebrero, ang unang batch ng Sinovac mula China.