Malaki na ang posibilidad na ilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa.
Ito’y ayon kay senate committee on health chairman Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ay dahil sa pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa simula ngayong araw.
Sa panayam ng DWIZ kay Go, binigyang diin nito na nais lamang ng Pangulo na makatiyak na mayroon nang ligtas at maaasahang pananggalang ang mga Pilipino mula sa banta ng COVID-19 bago luwagan ang mga ipinatutupad na restrictions.
Magugunitang inanunsyo kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mananatili sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at walong iba pang lugar sa bansa na may mataas pa ring kaso ng virus transmission.
Sundin muna natin yung classification na binigay ng IATF, maaaring pag-usapan muli ‘yan at pwede naman, gaya ng sinabi ng Pangulo pag-aaralan ‘yan ng mabuti, na pwede n’ya luwagan kaunti dahil ang inaantay naman natin ay itong bakuna. Kapag may makita ng rollout ng mga bakuna sa frontliners natin ay pinag-aaralan naman lahat ng IATF ‘yan, one day at a time yung pag-aaral natin dyan,” ani Go.