Dapat bigyang ayuda sa halip na pautangin ng pamahalaan ang mga maliliit na hog raisers sa bansa na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ito ang iminungkahi ni Senate Committee on Agriculture Vice Chairman Grace Poe, kasunod na rin ng pahayag ng Department of Agriculture na P30 bilyong pautang na kanilang inahahanda.
Ayon kay Poe, tiyak na mag-aalangan ang mga hog raiser na umutang sa pamahalaan dahil kinakailangan nito ng kolateral at tiyak na malulugi sila sakaling magkasakit ang kanilang mga alaga.
Maliban dito, dapat ding higpitan ng Pilipinas ang border nito sa pagpasok ng meat products mula sa ibang bansa at tiyaking hindi makalulusot sa mga ito ang mga smugller.