Aabot sa 30 magkasintahan ang sama-samang ikinasal sa isinagawang mass wedding sa ilalim ng new normal sa lungsod ng Taguig.
Ito’y bilang bahagi ng taunang aktibidad ng city government partikular na ng kanilang Office of the Civil Registry mula pa nuong pre-pandemic.
Subalit dahil sa COVID-19 pandemic, inihayag ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na mahigpit nilang ipinatupad ang minimum health protocol tulad ng pagsusuot ng facemask at pananatili ng social distancing sa bawat pares.
Binigyang diin ng alkalde, layunin ng isinagawa nilang kasalang bayan na maipaunawa sa lahat ng Taguigueño ang kahalagahang maging ligtas sa gitna ng pandemya.
I am so happy that we can come together and celebrate a wondrous and inspiring occasion, I hope people see the deeper message in this occasion: there is a safe way to shop, dine out, do business, gather and more. Welcome to the new normal,” Ani Cayetano
Kasalukuyan pa ring hinihintay ng pamahalaang lungsod ang mga binili nilang bakuna kontra COVID-19 upang mapababa ang naitatalang mga kaso ng virus sa kanilang lugar.