Nilinis ng Sandiganbayan ang isang dating alkalde at isang building official sa kasong may kaugnayan sa pag-demolish ng mga bahay ng mga informal settlers sa Agusan Del Norte noong 2011.
Batay sa desisyon ng Sixth Division ng anti-graft court, inabswelto sina dating Tubay mayor Sadeka Tomaneng at municipal engineer Christopher Dagani.
Sa reklamo ng mga residente, ipinag-utos ni Tomaneng ang paggiba sa kanilang mga bahay sa Brgy. La Fraternidad kahit na ito’y maituturing na resettlement o relocation site.
Ngunit sa pasya ng korte, ipinaliwanag na ang pagpapagiba sa mga istraktura ay alinsunod sa batas at nabigyan din ng umano ng ‘due process’ ang mga mamamayan bago ginawa ang nasabing demolisyon.
Sinasabing nakatayo rin ang mga bahay sa mga daluyan ng tubig at road network kaya’t ipinag-utos ang pag-demolis sa mga ito.